Taga-UPLB Ka Kung… (You’re from UPLB if…)
OK, don’t stone me because I am so blatantly waving the UPLB banner. I’m pretty proud of being from Elbi, as I’m sure you are of your alma mater. Just allow me to share with you some tidbits that mark someone who’s true Elbi-bred. Plus, I’ve got an interesting little challenge at the bottom of this post.
Taga-Elbi ka kung:
1. Kilala mo si Mang Pogs.
2. Nalilito ka kung saan nakalagay ang banga ni Mariang Banga.
3. Tubig na lang ang tingin mo sa gin.
4. Ginamit mong reviewer ang mga old exams para sa mga midterms, prefi at finals sa bio, math, stat, chem, physics, eco etc.
5. Hindi ka sumasagot ng UP (yupeee) kapag tinanong ka kung saan ka graduate.hahaha! sagot mo elbi.
6. Taga-elbi ka kapag kilala mo yung professor na nagbi-bike ng naka-barong na kupas. (Si climax! kalahating albert einstein, kalhating mang pandoy)
7. Ok lang pumasok sa mga klase kahit naka pambahay/pantulog attire ka.
8. Pag nagtanong si manong driver ng “may animal ba dyan?”, at may sumagot ng “meron po” ay di ka natawa.
9. Pag nagtanong uli si manong driver ng “may mens ba dyan?”, at may sumagot uli ng “meron po” ay di ka natawa.
10. Di ka nahihiyang magbitbit ng malaking payong.
11. Taga-elbi ka kung pagkatapos mong magbakasakali kay Mang Pogs, diretso ka na kay Mr. Midnight
12. Bumibili ka ng blue book sa Coop.
13. Alam mong hindi pwedeng ibato ang Batong Malaki.
14. Nung pinanood mo ang movie ni aga at regine na shot at elbi (sa may gaygay gowns) at nagtawag ng taxi si regine e nagtawanan kayo ng mga taga-LB at clueless ang iba.
15. Alam mo kung nasaan ang White House.
16. May tanline ka ng tsinelas.
17. Alam mong mas masarap ang pancit canton na niluto sa ‘heater cup’
18. Sanay ka maglakad.
19. Thursday night ang gimik night mo.
20. Alam mo na ang pinakamalaking banyo ay ang Ellen’s Fried Chicken, at Sizzler’s ang tinitingalang kainan.
21. Kilala mo sina Saniano Boy at Saniano Girl.
22. Alam mo kung nasaan ang “Johnson”.
23. Alam mo ang kaibahan ng dalawang Flatrocks.
24. Kaya mong pumasok ng hindi naliligo.
25. Alam mong si Carasus at Pegabao ay iisa.
26. Alam mong okey lang na pumunta sa Maahas.
27. Tumatambay ka sa APEC para mag inom.
28. Alam mo kung nasaan ang Fertility Tree, Kwek KwekTower, at ang Templo ni Bruce Lee.
29. Tuloy ang klase kahit signal number 3 na.
30. Alam mo kung saan ang pilahan ng jeep papuntang IRRI, Forestry, o kaya ay Jamboree…
31. Hindi ka kumakain ng buko pie.
32. Alam mo na bago pa man nauso ang unli rice sa Tokyo Tokyo, marketing strategy na ito ng Salad Country.
33. Hinahanap-hanap mo ang chocolate cake sa Mer-Nel’s.
34. Alam mong bawal tumawid sa UPLB Gate(main), mula Guard House papuntang harap ng Carabao Park…
35. Alam mong may oras lang na pwede kumain sa IRRI pag di ka IRRI employee.
36. Sanay ka maglagay ng Knorr Seasoning sa kanin.
37. Alam mong ang hanging bridge ay di talaga naka-hang.
38. Alam mong hindi lang dalawang pulgada ang layo ng Bayog sa Anos.
39. Kapag nate-take mo na di magpalit ng pants hanggang ilang araw.. hehe..
40. Alam mo kung nasaan ang tatlong Ellen’s fried chicken sa LB.
41. Apektado ka sa pagsasara ng ic’s.
42. Pag may sakit ka, hindi ka pupunta “infirmary” except lang pag kukuha ka ng excuse slip.
43. Marami kang alam na ghost stories, sa ilag’s, sa men’s dorm, sa faculty village, sa may social garden etc…
44. Pag umihi ka na sa gilid ng SU (tuwing feb fair).
45. Alam mo na ang tunog ng pillbox. (rambol!)
46. Taga lb ka kapag kilala mo si “Manang slow”..
47. Hindi mo na naabutan ang Vega mall at Robinson’s.
48. Taga elbi ka kapag mas gusto mong tumambay pag feb fair kesa manood ng kung anuman sa stage.
49. Kaya mong i-identify ang species at subspecies ng bawat punong nadadaanan mo.
50. Alam mo na ang shortest way sa papuntang St. Therese chapel from Humanities ay ang dirt road…
51. Taga-elbi ka kapag alam mo kung baket maraming natatalisod sa raymundo gate.
52. Hindi mo kailangan ng rason para uminom … hindi mo na rin keilangan ng mesa pag iinom (… hindi mo na rin minsan kailangan ng baso ).
53. Alam mo kung nasaan ang Soils.
54. Mas trip mo mag-redhorse kesa mag San Miguel Light.
55. Kung di man natuloy ay binalak mong umakyat ng peak two ng Mt Makiling.
56. Taga elbi ka pag nakakita ka ng snow pag summer (yun yung bulak na nagkalat sa campus… kapok).
57. Taga-elbi ka rin pag handa mong gawin ang lahat pag nag-peprerog ka makakuha ka lng ng slot sa subject na yon (lalo na pag GE).
58. Alam mo kung saan makakabili ng masarap na proven at chicken skin–> dun malapit sa white house.
59. Alam mong ang devcom ay dating under ng CA.
60. Mas enjoy mo ang gimik sa apartment compared to bars and restos.
61. Alam mong ang “audi” at DL Umali Hall ay iisa.
62. Alam mong may gasolinahan sa loob ng campus (sa likod ng CEAT).
63. Sineryoso mo na kailangan may kasama kang date pag drill night.
63. Alam mo kung nasaan ang Ilag’s, Raymundo’s at Catalan.
64. Dismissed ka na pero sa elbi ka pa rin nakatira.
65. Alam mo kung nasaan ang Batcave.
66. Gusto mong pasabugin ang PhySci building.
67.Alam mong ang LB Square ay dating vacant lot na puro talahib.
68. Nakapanood ka na ng sine sa Agrix.
***
Can you relate? Let us know if you’re from UPLB too!
Now for the challenge. I’m pretty sure that alumni from all other schools have a list like this to share. What are those random memories that seem to bind your schoolmates together? What campus personalities are known by generations of students? Where do you hang-out with your friends? What was the “in” expression? What stories, true or not, circulate in your classrooms?
Share the list if you already have it. Or make up your own. Just post your fondest and funniest school identifiers. Make sure you include the name of your school!
Note: This list has been circulating via email and posted by many bloggers. I can’t find a mention of the author/compiler. If you have any information, please share it with us so we can give due credit. Thanks!
image via UPLB
15 Comments
This list inspired me to share some memories of my LB days. Mine wasn’t so much about the school identifiers but more on random anecdotes I was able to remember off the top of my head (it’s been a while).
may nakalimutan ka kung anu anu ang finger sign pag sasakay ng jeep papasok sa UP example sa irri at marami pang iba….
wag kalimutan ang gatas sa DTRI (“,)
at yung mag trolley pagkatapos kumain sa irri papuntang san antonio =)
marami n pong di applicable ngaun… hehe.. lalo n s mga batch 08
…Pipila ka sa hot pandesal ni Jericho’s kahit hindi umaga
…Masarap mag inuman sa Heli-pad sa Jamboree
…
…Ikutan mo lahat ng kainan bago ka maka exit ng elbi…Ellen’s, Mother’s at Bamboo Grove or take out ulam with matching sago and gulaman across Bamboo Grove and the one and only ice cream house sa Arcade
…Bowling sa SU basement, sa Eva Lanes then later on sa Agrix
It was fun reading this post, I’m not a super-alumna (just graduated last year) but I miss LB, supeeeeer!
Thank you sa lahat ng nagdagdag dito ng mga memories nila sa elbi. Nakakatuwa talaga at totoo ang mga yan.
Neill, tama ka na di na applicable ang iba sa mga bagong batch. Pero sigurado ako na meron ding mga bagong madadagdag.
Jamo, I’m glad you enjoyed it. Iba talaga ang LB. We all leave a part of ourselves there.
Taga ELBI ka kung…
69. Nasakyan mo na ang jeepney ni Guy and Pip
70. Alam mo na ang Math building sa tapat ng St. Therese ay dating UP Rural High
71. Nakapag-fine dining ka noon sa Cafe Amalia
72. Alam mong si Teddy Casiño ay naging Editor-in-Chief ng UPLB Perspective.
73. Alam mo kung saan nakatayo yung Old Chem building
ang faculty follies…yihee,
pati mga required panuorin na plays.
[...] Check this out – researchers from my old employment – the International Rice Research Institute at Los Banos – are inspecting some varieties of rice. Well, if that’s NOT interesting enough, perhaps the [...]
Taga UPLB ka kung alam mo kung ilan ang baka sa Cpark (WALA haha)
yeah, agree po ako kay neill.. marami ng hindi applicable.. lalo na sa mga ‘08… pero me0n pa rin dun na ok pa at ung iba ay naisalin o naipasa ng upclass.. hehe..
basta.. un na un..!!!
yeah! saya talaga sa elbi! almost a year na ako nagwowork pero binabalik-balikan ko pa din ang lb. pag haggard na sa work, gusto ko na lang bumalik sa elbi at magmoni!
additional:
1.taga-elbi ka kung alam mo ang term na “moni”
2.di na iba sa yo ang live in [never ko naman natry hehe]
3.lagi sinasabi na pumitik ka lang ng isang anay e lagas na agad ang MB
4.lumalaki na ang binti mo kakalakad at kakatakbo para lang makapunta sa next class mo
5.di ka sanay magpayong kaya naman ang nognog na ng hitsura mo, mukha ka ng dugyot
6.halimaw ang tawag mo sa classmate mo na ubod ng talino
7.kahit hindi ka math major e kilala mo si doc R